Sunday, January 26, 2014

Watch Vhong Navarro Breaks Silence, Buzz ng Bayan Full Interview Video

Watch Vhong Navarro Breaks Silence, Buzz ng Bayan Full Interview Video








FULL TRANSCRIPT: Vhong's tell-all interview

Posted at 01/26/2014 7:21 PM | Updated as of 01/26/2014 9:01 PM
MANILA – Host-actor Vhong Navarro denied allegations that he raped a woman which provoked a group of men to attack him inside a condominium unit at The Fort in Taguig last January 22.
For the first time since the news broke on Friday, Navarro detailed what transpired on the night he was attacked.
Below is the transcript of Navarro’s full interview on “Buzz ng Bayan” which aired Sunday.
Boy Abunda (BA): Maraming salamat sa pagkakataong ito. Mula sa aking puso hindi ko inaasahan na tayo ay makakapag-usap dahil sa iyong kalagayan. Ang daming umiikot na mga usap-uspan. Maraming mga balita sa mga diyaryo at mga Internet. Ang pinaka-latest nga ay patay ka na raw. Bakit binabasag mo ang katahimikan mo?
Vhong Navarro (VN): Tito Boy, una po sa lahat, kinakabahan ako. Kinakabahan ako hindilang sa sarili ko, kinakabahan ako para sa mga anak ko. Kinakabahan ako para sa pamilya ko kasi Tito boy 'yung ginawa nila sa akin, grabe. Binaboy nila ako, tinakot nila ako, pinaratangan na papatayin yung mga anak ko, yung mga magulang ko, pati ako.
Ang tagal ko na sa industriya, wala pa akong inagrabyado. Ginagawa ko ‘to kasi alam ko na pwedeng maulit ito. Kung sa akin nagawa ito, I’m sure sa mga maliliit na tao puwede nilang gawin. Pwedeng maulit ito. Pwedeng maulit.
BA: Hanggang saan ang laban na ito Vhong?
VN: Gusto ko lang sana ng justice. Gusto ko may mangyaring hustisya. Gusto kong may pagbayaran ang gumawa nito sa akin.
BA: Pupuntahan ko muna ang takot. Natatakot ka para sa mga anak mo, sa pamilya mo dahil pinagbantaan ka?
VN: Opo, kung magsusumbong ako sa mga pulis. Kaya pumasok po 'yung blotter. Ano po 'yun eh ...may pangba-blackmail po na nangyari.
BA: 'Yung blotter na pinirmahan mo 11:49, January 22. Iyan ay sinasabi mo isang uri ng…
VN: Nakalagay po doon is hindi nila itutuloy, hindi sila magrereklamo kasi nga may usapan. Ginawa lang 'yung blotter na 'yun just in case magsumbong ako, meron silang panghahawakn para sa akin.

No comments:

Post a Comment